Monday, September 29, 2008

SEPTEMBER 29

Grabe, ang malas ng araw... SEPTEMBER 29... Naiisipan ko tuloy na mag- blog...
  • I'm not feeling well...
  • nadulas ako sa TAPAT ng PRINCIPALS office...

haix!!! sana makabawi bukas!!

Wednesday, September 10, 2008

NANAY/ INA



Sa pagpapasensiya
Sa pagaarugat’t pagtitimpi
mo Ina kong mahal
Maraming Salamat!

Araw man o gabi
hindi ko nakakaligtaan
hindi ka isipin dahil
sa aking puso’y bumubida ka

An gaming ilawng tahanan
kapiling sa hirap man o ginhawa
mahal kong ina ikaw ay
iniibig ko’tiniidolo

Magiting ka sa aming puso
dakila ka sa mata nila
pero ang katotohanan
isa kang simpleng ina para sa amin.

by: jean
09-10-08

Thursday, September 4, 2008

SALAMAT!!

Eskwelahan… O mas kilalang ikalawang bahay… Maguumpisa ka sa umpisa… Maraming pagsubok na kailangan mo lagpasan pero hindi mo maglalagpasan ng magisa ka lang… Yan ang silbi ng mga kaibigan sa mundo… sabihan ng problema, sumbungan ng napapagalitan, sandalan ng mga ulong pagod na, ang balikat na pwuede mong iyakan… Pero kapag minsan kaaway ang turing mo sa kanila…

Hindi rin makukumpleto ang eskwelahan ng walang guro na namamagitan sa lahat ng oras… Si NANAY at TATAY ng aming munting tahanan….

Unang taon sa sekondarya… Naging isang malaking impluwensya sa akin si Ms. Katherine Pueblo ang aming gurong tagapayo na nagsilbing nanay, ate at isang kaibigan… Masaya!! Maraming labing napangiti, matang napaluha, ilong na napadugo at maraming utak na nahasa… Ano pa nga ba ang mahihiling mo???

Salamat din sa mga kaibigang tumutulong sa akin sa lahat ng oras. Lalung- lalo na sina: Mariel at Jo- anne, na handang tumulong sa lahat ng oras; si Leanne na para ko ng kapatid; si Charlotte ang anak ko!! Si Rianne ang kasama kong mangarap maging player… Si Aizel, Patricia, PMac, Carisse, Celine, Kristelle, Paulo, Aloysius, Donne, Baldo, Martin, Julian, Ranjit, Lou, Zita, Kenneth, Keith, Niel, Jed, Gerd at marami pang iba… MARAMING SALAMAT!!!


(to be continued…)